I've been out of the game for more than half a year now and still reconsidering if I would go back and play. But when a forum mod told me that the Great Man Campitor (yeah we all love him) needs people to translate this article to reach and help more people, I didn't take any second thoughts on helping.... This would be another one of my contributions to keep the community healthy.
https://support.warp...ng-and-you.aspx
So this is my take on the crap. Please excuse my funny phrases as it's really hard to translate English back to Filipino if it's written informally so I did it on my own approach (and I think I went too far with it). And also, I'm not a literature type of guy so please spare me!
Mag-ingat Ka sa Scam (Oo Ikaw!)
Nakakita ka na ba ng isang offer sa Home TV shopping na makakapagbawas ng 25kg ng timbang sa loob ng isang linggo? O sa mga gamot na nangangakong magpapatangkad sayo sa loob ng tatlong araw? Huwag agad maniwala dahil maaaring ito ay isang uri ng scam! Basahin ang mga sumusunod upang hindi malinlang ng mga kawatan!
Ang thread na ito ay magsisilbing gabay sa mga madalas na paraan ng in-game scams, at mga dapat gawin sa mga ganitong uri ng sitwasyon.
(Basta please lang, matutuno ka naman TUMANGGI)
Hoy GM! Balik mo gamit ko!
ang mga GM (Game Managers) at CM (Community Managers) ay isa sa mga respetadong personalidad sa komunidad ng online gaming. Dahil sila ay nabibilang sa mataas na hanay at nagtataglay ng di pangkaraniwang kakayahang magpataw ng mga alituntunin at makabuo ng tiwala sa mga gamers, madalas na nagiging lohikal at makatwiran na sumunod sa kanilang mga utos at hiling. Ngunit sa kadahilanang ito ay nagiging paraan ng iba na magpanggap na maging isang GM o CM upang makapanlinlang ng kapwa.
Kahit kailan ay hindi hihingin ng GM ang password mo! EVAH! Hindi nila kakailanganing hingin ang iyong password kung may kailangan sila sa iyo. Ang password ay isang bagay na para lamang sayo upang gamitin sa iyong game client.
Ang isang GM ay palagi mong makikitang naka "bihis GM" (GM Sprite). Alam natin na ang kanilang in-game character ay laging may pananamit na naiiba sa lahat ng mga karaniwang players, ngunit ito ay isang espesyal na sprite na hindi magagamit ng isang normal na player. Kaya wag maniniwala kung may noobs na level 1 Novice at sinabing siya ay isang GM.
May mga pagkakataong may magpapadala sayo ng isang private message at magsasabing sila ay isang GM. Kung mayroon mang haka-haka sa mga ganitong pangyayari, siguraduhing makita ang kanilang character sprite upang makumpirma ang kanilang pagkakakilanlan. Kung sa pagkakataong hindi nila ito magawa ay agad na kumuha ng screenshot ng inyong pag-uusap at magsumite ng ticket. Hindi kailangang mangamba kung hindi sinasadyang mareport ang isang tunay na GM. Ito ay para na rin sa siguridad ng bawat isa. Mabuti na rin ang maging maingat.
Desperado si In-Game Friend?
Masasabi nating isa sa pinakamagandang katangian ng Ragnarok Online ay ang masayang in-game na komunidad. Ang ilan sa mga players ay nagawang iangat ang kanilang personalidad sa kasikatan. Katulad ng ibang kawatan na nagpapanggap na isang GM o CM, may iba rin na ginagamit ang pangalan ng ibang tao sa sa komunidad. Kung ang matalik mong kaibigan ay nanghihingi/nanghihiram ng rare gears, maaring suriin muna ang mga sumusunod:
Bakit kailangan niya kailangan ng ganitong item? Maaring magkakilala na kayo ng matagal at BFFs na kayo at ngayon mo lang siya nakita na manghiram. Kung sa iyong obserbasyon ay kakaiba ang kanyang mga kinikilos, huwag magatubiling tumanggi. Kahit na siya ay ang iyong BFF o guild ldeader, laging tatandaan: Walang bagay na matatawag "hiraman" na feature o mekanismo sa Ragnarok Online. Kung may ibibigay o ipahihiram na item sa kahit sino, laging pakatandaan na may posibilidad na ito ay hindi na mabalik.
Bakit itong si BFF/Guild Leader ay himihingi ng pabor gamit ang ibang account? Upang makasiguro, sabihin sa kanila na maglog-in sa kanilang character na iyong kilala. Kung sabihin man nilang hindi sila makalog-in sa nabanggit na character, imungkahi na ito ay malulutas sa pamamagitan ng pagsusumite ng ticket.
Mukhang pareho naman pangalan nila pero... Hindi ba kaduda-duda ang ang iyong kapwa guild member ay biglaang manghihiram sa iyo? Marahil nga! Bakit hindi mo subukang makipagkita sa town upang makasigurado? Maaring ang pangalang "SillyMan" ay masasabing kamukha lamang ng "SiiiyMan" na mayroong malaking titik na "i". Kung kasama mo sa iisang guild si SillyMan nungit si SiiiyMan ay walang guild emblem, maaaring ibang tao ang kausap mo at isang scammer.
Huwag kasi Click nang Click ng Link! (Phishing Sites)
Madalas na ang Ragnarok Online at iba pang laro na pagmamay-ari ng Gravity ay nagsasagawa ng contests at raffles na may mga kamangha-manghang premyo. Lahat ng ito ay may iisang alituntunin - kailanman ay hindi nila hihingin ang iyong password. Kung ikaw ay bibigyan ng libreng Warp Portal Energy Points at bilyong-bilyong zeny, pakatandaan lamang ang mga sumusunod:
Ang iyong password ay isang susi na magbibigay seguridad sa iyong mga in-game items - Mayroon lamang dalawang pagkakataon na kailangan mong i-type ang iyong password: sa RO game client log-in screen, at sa opisyal na Warp Portal Account Binding page. Sa panahong ang iyong RO game account ay na-bind na sa iyong Warp Portal Account (at ito ay aplikado sa mga tao na gumawa ng kanilang RO game account bago pa man nagbuo ang Warp Portal System), hindi mo na kailanman kakailanganing gamitin ang iyong password sa kahit anong pagkakataon maliban sa login screen ng iyong game client. May mga natatangap kami na mga ticket na nagsasabing "hello po Mr. GM, nasira po yung game ko at ang password ko ay MachoPapa1234!" Hindi namin kailangan ang iyong password kaya huwag mo itong ibibigay - kahit sa amin!
Mga malulupit lang na web designers lang ang kinukuha namin... suriin ang website na iyong tinitingnan. Ito ba ay isa mga mukhang baduy at corny na websites tulad ng Geocities or Angelfire noong kabataan mo? Ito ba ay isa sa mga "free webhosting by X" na uri ng website na akala mo ay ginawa lang kanina pagkatapos kumain ng tanghalian? Maaaring di kami ganun kagaling at perpekto sa paggawa ng mga website, ngunit taas noo (at kilay) naming masasabi na hindi gagawa ang staff namin ng mga mukhang kahina-hinala at mababang uri ng website. Maaari rin iberipika ang pagkalehitimo ng website sa pamamagitan ng security certification galing sa Gravity Interactive na makikita sa iyong browser.
Pasilip Naman Pwease~!
Kung may ibang tao man na gusto tingan ang iyong in-game items, ipakita gamit ang equipment window at hindi gamit ang trade window. Ipapaalala lang muli namin na kapag naclick-accept mo ang trade, ito ay patunay lamang na binibigay mo ang pagmamay-ari ng item sa ibang tao.
Edited by Javsy, 18 September 2013 - 02:07 AM.