Filipino Translation: Mag-ingat Ka sa Scam (Oo Ikaw!) - Ragnarok Online - WarpPortal Community Forums

Jump to content


Photo

Filipino Translation: Mag-ingat Ka sa Scam (Oo Ikaw!)


  • Please log in to reply
19 replies to this topic

#1 Javsy

Javsy

    Amateur Blogger

  • Members
  • 163 posts
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:Valkyrie

Posted 18 September 2013 - 02:01 AM

I've been out of the game for more than half a year now and still reconsidering if I would go back and play. But when a forum mod told me that the Great Man Campitor (yeah we all love him) needs people to translate this article to reach and help more people, I didn't take any second thoughts on helping.... This would be another one of my contributions to keep the community healthy.  :p_laugh: 
https://support.warp...ng-and-you.aspx
 
So this is my take on the crap. Please excuse my funny phrases as it's really hard to translate English back to Filipino if it's written informally so I did it on my own approach (and I think I went too far with it). And also, I'm not a literature type of guy so please spare me! :ani_swt3:
 
Mag-ingat Ka sa Scam (Oo Ikaw!)

Nakakita ka na ba ng isang offer sa Home TV shopping na makakapagbawas ng 25kg ng timbang sa loob ng isang linggo? O sa mga gamot na nangangakong magpapatangkad sayo sa loob ng tatlong araw? Huwag agad maniwala dahil maaaring ito ay isang uri ng scam! Basahin ang mga sumusunod upang hindi malinlang ng mga kawatan!

Ang thread na ito ay magsisilbing gabay sa mga madalas na paraan ng in-game scams, at mga dapat gawin sa mga ganitong uri ng sitwasyon.
 
(Basta please lang, matutuno ka naman TUMANGGI)


Hoy GM! Balik mo gamit ko!

ang mga GM (Game Managers) at CM (Community Managers) ay isa sa mga respetadong personalidad sa komunidad ng online gaming. Dahil sila ay nabibilang sa mataas na hanay at nagtataglay ng di pangkaraniwang kakayahang magpataw ng mga alituntunin at makabuo ng tiwala sa mga gamers, madalas na nagiging lohikal at makatwiran na sumunod sa kanilang mga utos at hiling. Ngunit sa kadahilanang ito ay nagiging paraan ng iba na magpanggap na maging isang GM o CM upang makapanlinlang ng kapwa.
 

Kahit kailan ay hindi hihingin ng GM ang password mo! EVAH! Hindi nila kakailanganing hingin ang iyong password kung may kailangan sila sa iyo. Ang password ay isang bagay na para lamang sayo upang gamitin sa iyong game client.

Ang isang GM ay palagi mong makikitang naka "bihis GM" (GM Sprite). Alam natin na ang kanilang in-game character ay laging may pananamit na naiiba sa lahat ng mga karaniwang players, ngunit ito ay isang espesyal na sprite na hindi magagamit ng isang normal na player. Kaya wag maniniwala kung may noobs na level 1 Novice at sinabing siya ay isang GM.

May mga pagkakataong may magpapadala sayo ng isang private message at magsasabing sila ay isang GM. Kung mayroon mang haka-haka sa mga ganitong pangyayari, siguraduhing makita ang kanilang character sprite upang makumpirma ang kanilang pagkakakilanlan. Kung sa pagkakataong hindi nila ito magawa ay agad na kumuha ng screenshot ng inyong pag-uusap at magsumite ng ticket. Hindi kailangang mangamba kung hindi sinasadyang mareport ang isang tunay na GM. Ito ay para na rin sa siguridad ng bawat isa. Mabuti na rin ang maging maingat.

 
 
Desperado si In-Game Friend?

Masasabi nating isa sa pinakamagandang katangian ng Ragnarok Online ay ang masayang in-game na komunidad. Ang ilan sa mga players ay nagawang iangat ang kanilang personalidad sa kasikatan. Katulad ng ibang kawatan na nagpapanggap na isang GM o CM, may iba rin na ginagamit ang pangalan ng ibang tao sa sa komunidad. Kung ang matalik mong kaibigan ay nanghihingi/nanghihiram ng rare gears, maaring suriin muna ang mga sumusunod:
 

Bakit kailangan niya kailangan ng ganitong item? Maaring magkakilala na kayo ng matagal at BFFs na kayo at ngayon mo lang siya nakita na manghiram. Kung sa iyong obserbasyon ay kakaiba ang kanyang mga kinikilos, huwag magatubiling tumanggi. Kahit na siya ay ang iyong BFF o guild ldeader, laging tatandaan: Walang bagay na matatawag "hiraman" na feature o mekanismo sa Ragnarok Online. Kung may ibibigay o ipahihiram na item sa kahit sino, laging pakatandaan na may posibilidad na ito ay hindi na mabalik.

Bakit itong si BFF/Guild Leader ay himihingi ng pabor gamit ang ibang account? Upang makasiguro, sabihin sa kanila na maglog-in sa kanilang character na iyong kilala. Kung sabihin man nilang hindi sila makalog-in sa nabanggit na character, imungkahi na ito ay malulutas sa pamamagitan ng pagsusumite ng ticket.

Mukhang pareho naman pangalan nila pero... Hindi ba kaduda-duda ang ang iyong kapwa guild member ay biglaang manghihiram sa iyo? Marahil nga! Bakit hindi mo subukang makipagkita sa town upang makasigurado? Maaring ang pangalang "SillyMan" ay masasabing kamukha lamang ng "SiiiyMan" na mayroong malaking titik na "i". Kung kasama mo sa iisang guild si SillyMan nungit si SiiiyMan ay walang guild emblem, maaaring ibang tao ang kausap mo at isang scammer.



Huwag kasi Click nang Click ng Link! (Phishing Sites)

Madalas na ang Ragnarok Online at iba pang laro na pagmamay-ari ng Gravity ay nagsasagawa ng contests at raffles na may mga kamangha-manghang premyo. Lahat ng ito ay may iisang alituntunin - kailanman ay hindi nila hihingin ang iyong password. Kung ikaw ay bibigyan ng libreng Warp Portal Energy Points at bilyong-bilyong zeny, pakatandaan lamang ang mga sumusunod:



Ang iyong password ay isang susi na magbibigay seguridad sa iyong mga in-game items - Mayroon lamang dalawang pagkakataon na kailangan mong i-type ang iyong password: sa RO game client log-in screen, at sa opisyal na Warp Portal Account Binding page. Sa panahong ang iyong RO game account ay na-bind na sa iyong Warp Portal Account (at ito ay aplikado sa mga tao na gumawa ng kanilang RO game account bago pa man nagbuo ang Warp Portal System), hindi mo na kailanman kakailanganing gamitin ang iyong password sa kahit anong pagkakataon maliban sa login screen ng iyong game client. May mga natatangap kami na mga ticket na nagsasabing "hello po Mr. GM, nasira po yung game ko at ang password ko ay MachoPapa1234!" Hindi namin kailangan ang iyong password kaya huwag mo itong ibibigay - kahit sa amin!

Mga malulupit lang na web designers lang ang kinukuha namin... suriin ang website na iyong tinitingnan. Ito ba ay isa mga mukhang baduy at corny na websites tulad ng Geocities or Angelfire noong kabataan mo? Ito ba ay isa sa mga "free webhosting by X" na uri ng website na akala mo ay ginawa lang kanina pagkatapos kumain ng tanghalian? Maaaring di kami ganun kagaling at perpekto sa paggawa ng mga website, ngunit taas noo (at kilay) naming masasabi na hindi gagawa ang staff namin ng mga mukhang kahina-hinala at mababang uri ng website. Maaari rin iberipika ang pagkalehitimo ng website sa pamamagitan ng security certification galing sa Gravity Interactive na makikita sa iyong browser.


Pasilip Naman Pwease~!

Kung may ibang tao man na gusto tingan ang iyong in-game items, ipakita gamit ang equipment window at hindi gamit ang trade window. Ipapaalala lang muli namin na kapag naclick-accept mo ang trade, ito ay patunay lamang na binibigay mo ang pagmamay-ari ng item sa ibang tao.


Edited by Javsy, 18 September 2013 - 02:07 AM.

  • 8

#2 albaoregine

albaoregine

    Awarded #1 Troll

  • Members
  • 817 posts
  • Playing:Ragnarok Online

Posted 21 September 2013 - 07:15 PM

lol


  • 0

#3 xMesHx

xMesHx

    Awarded #1 Troll

  • Members
  • 515 posts
  • Locationtoyama-ken,takaoka-shi
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:Chaos

Posted 16 December 2013 - 09:33 PM

ayos to :)


  • 0

#4 Zeois

Zeois

    I made it Off Topic

  • Members
  • 50 posts
  • LocationPhilippines
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:iRO Chaos Renewal

Posted 19 December 2013 - 07:38 PM

mukang ginoogle translate lang ata to ah :heh:


  • 2

#5 jellopyking

jellopyking

    Awarded #1 Troll

  • Members
  • 589 posts
  • Playing:Nothing
  • Server:skyrim

Posted 31 January 2014 - 08:49 PM

kulang ito, kailangan idagdag sa 'Desperado si In-Game Friend?';

 

Mag ingat at wag magpabihag sa mga babaeng sprite, karamihan ng mga ito ay may tubo, aka chiksilog

Chiksilog ay isang salita na ang kahulugan ay babae na may tubo, ang salitang ito ay pinaghalo ng dalawang salita na pinagsama - chick at itlog,

Isang sinaunang katanungan na ang sagot ay hindi alam ng kahit na sino hanggang ngayon ay; sino ang nauna? ang sisiw o ang itlog? - wala tayong paki dito sapagkat wala itong kaugnayan sa kasalukuyang diskasyon - itlog ay isang salita para sa bayag.

Magduda ka na kapag nagsimula nang mang hingi sa iyo ng gamit o pera ang nobya mo na nakilala mo lang kanina.


Edited by jellopyking, 31 January 2014 - 08:52 PM.

  • 0

#6 ferociousbeast

ferociousbeast

    I am New.

  • Members
  • 2 posts

Posted 14 January 2015 - 09:38 AM

ilang oras yun maintenance at ilang beses sa isang lingo ?

at pwede paba mamaya yun jummp start ?


  • 0

#7 aristeo0716

aristeo0716

    I am New.

  • Members
  • 2 posts

Posted 12 March 2015 - 10:52 PM

Help GM pls.,i already went to the migration page from pRO to IRo and when it asked me to type in a new Game ID i opted to use the same Game ID i had in New Chaos (pRO) to avoid confusion and having my accounts locked out when the new server opens.,will i have problems playing when the new server opens because of this pls help...????


  • 0

#8 humall

humall

    I am New.

  • Members
  • 1 posts

Posted 08 April 2015 - 10:15 PM

Kamusta sa lahat!
Puwede nyo po ba send link saken kng saan ko pa po puwede download ang iro.
Kc po nag failed po siya nung na down load ko na po.
Salamat at god bless all pinoys!!!
  • 0

#9 Drew07

Drew07

    I am New.

  • Members
  • 6 posts

Posted 18 May 2015 - 03:35 AM

Please paki balik lahat ng gamit ko sobrang laki ng gastos namin d2 kung tutuong respetado lahat ng gm bakit nyo pinabayaan na mawala lahat ng gamit namin sa migration. Malaki ang naging gastos ng bawat player sana naisip nyo yun hindi puro sarili nyo lang iniisip nyo
  • 0

#10 Ayachii16

Ayachii16

    I made it Off Topic

  • Members
  • 24 posts
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:Thor

Posted 31 July 2015 - 09:02 PM

Meron pala nito hahaha +1 sa effort  :heh:


  • 0

#11 aentunei

aentunei

    Awarded #1 Troll

  • Members
  • 893 posts
  • LocationBikini Bottom Computer Center
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:InternationalRedAlert6

Posted 24 March 2016 - 03:20 PM

bobo lang na sscam 2004 p ako hndi p ako nsscam iscamin nyo nga ako hahaha


  • 0

#12 popoyski7891

popoyski7891

    I am New.

  • Members
  • 1 posts

Posted 05 September 2016 - 03:52 AM

hindi ko makita ang gamit ko sa alt+q pati da kafra storage..oa ba ayusin to?
hindi ko makita ang gamit ko sa alt+q pati da kafra storage..oa ba ayusin to?
  • 0

#13 kookylicious

kookylicious

    I am New.

  • Members
  • 4 posts

Posted 24 September 2016 - 08:49 PM

bump


  • 0

#14 LEDTORCH

LEDTORCH

    I am New.

  • Members
  • 1 posts

Posted 04 March 2017 - 03:37 PM

I Download <snip> and I DOWNLOADED THE PATCH AND RUN LOGIN THEN CHARACTER BUILD I CLICK CREATE BUT IT SAY RELOGGIN AND IT KEEP RELOGIN IT DIDNT CREATE MY CHARACTER!!! WASTED MY INTERNET QUOTA FOR THIS STUPID GAME!!!


Edited by VModCinnamon, 04 March 2017 - 06:16 PM.
Removed.

  • 0

#15 VModCinnamon

VModCinnamon

    Tranquility

  • VMod Retired
  • 16663 posts
  • Playing:Ragnarok Online

Posted 04 March 2017 - 06:20 PM

I Download <snip> and I DOWNLOADED THE PATCH AND RUN LOGIN THEN CHARACTER BUILD I CLICK CREATE BUT IT SAY RELOGGIN AND IT KEEP RELOGIN IT DIDNT CREATE MY CHARACTER!!! WASTED MY INTERNET QUOTA FOR THIS STUPID GAME!!!

 

Hello,

Warpportal did not develop that nor offers support for any technical issues related. Please use the official client (mirror links) if you wish to try iRO.


  • 0

#16 pao0

pao0

    Amateur Blogger

  • Members
  • 497 posts
  • Playing:Ragnarok Online

Posted 01 April 2017 - 05:33 PM

I remember those days na may parang ghost deal pa. Yung may lalabas na 2nd trade window habang nakikipag-trade ka. Bye items kapag nag-log out ka. :heh:


  • 0

#17 EmissaryofMangoe

EmissaryofMangoe

    I am New.

  • New Members
  • 2 posts
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:Chaos

Posted 21 August 2017 - 03:58 PM

Meh bahala na cla malalaki na mga naglalaro dito me kinatandaan na pag na scam ee kasalan mo

 


  • 0

#18 tfimpossible

tfimpossible

    Amateur Blogger

  • Members
  • 138 posts
  • LocationSleepy Bird Cage Manor
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:Chaos Renewal

Posted 16 January 2018 - 09:18 AM

Noted po. Pero wala naman maiscam sa'kin, umaasa lang ako Eden Group Equipment. And wala pa 'ko friends dito. Pero ayos lang kaysa ROPH, okay na 'ko dito. :)
  • 0

#19 hilaw

hilaw

    I made it Off Topic

  • Members
  • 51 posts
  • LocationPH
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:Chaos

Posted 10 July 2018 - 07:31 AM

Okay, hahaha
Nakakatawa lang biruin mo items lang sa iRO, ini-scam pa ng iba. Kahit anong gear pa yan, ang cheap pa rin kung iisipin, babaw hahaha, virtual world lang naman to eh. ^^v
  • 0

#20 ass0

ass0

    I made it Off Topic

  • Members
  • 50 posts
  • Locationsince 2015
  • Playing:Ragnarok Online
  • Server:chaos

Posted 18 March 2023 - 04:45 PM

To All.

 

Remaining players of thor lets go to chaos to save our beloved game

 

sincerely.

Your Pokemist master

Ass Ketchamp

Pokemoculus Trainer


  • 0




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users